Pindutin mo na

Bakit kailangang kumain?




Nagtataka ako kung bakit kailangan pang kumain ng mga tao.

Ano kayang maaari kong matutuhan sa mga tambay na nagkakara-krus sa gilid ng daan kung sa kanila ko itatanong to? Kanino ko ba makukuha ang sagot? Sa mga scientists kaya o sa mga nagtuturo ng ebanghelyo sa radyo at telebisyon?

Naisip ko kasi na ibat-iba ang kinakain natin.

May mahal, may mura, may masarap, may hindi, may libre, may binili, may bagong luto, may panis, may galing sa restaurant, may galing sa turo-turo, may malinis, may marumi, at higit sa lahat, may kontaminado ng masarap na sangkap ng hepa at mayroon din namang di maipaliwanag na lasa ng e.coli.

Bakit nga ba? eh gastos lang yun. sayang sa tym. at nakakapagod.

Isa lang naman din ang nangyayari kapag kumakain...


Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.


Gawin man nating trapezoid ang bilog na mundo, yun ang paulit-ulit at araw-araw na cycle. Di bat nasasayang lang ang pagkain? Kakainin mo, itatae mo lang din pala.


Kung sa bagay, okay na rin yun.


Kesa naman yung tinae mo ang kakainin mo. YUCK.

1 comment:

  1. Di naman yung pagkain yung kailangan mo eh, yung nutrisyon lang nun.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...