Manila, Philippines- Naispatan ng isang concern citizen ang nangyaring pagwawala sa kalye ng isang malaking manok at isang dambuhalang insekto kahapon ng hapon kahapon. Kitang kita sa bidyo na isinumbong sa amin ang pagsho-showdown gamit ang kantang nobody ng wonder girls sa isang sidewalk sa Malabon. Ito pala ay ang matabang bubuyog na si Jollibee at ang baduy na manok na si Chuckie. Pinai-imbistigahan na ngayon ito sa kinauukulan, kung dapat nga bang kasuhan ang dalawang di maipaliwanag na nilalang ng di pa alam na kaso.
Iniisip na rin kung kakasuhan ng jaywalking ang nag kuha ng bidyong ito. reported by anthony flores
Tungkol sa mga bagay bagay na may kwenta na isinalaysay ng walang kwentang blogger gamit ang ilusyon at imahinasyon.
Pindutin mo na
- Kakaibang daigdig (1)
- Tanong ni bentong (7)
Isang puting manok at isang dambuhalang insekto, nakunan ng video exclusibo!
Labels:
Kakaibang daigdig
Anong mas mabaho, putok ng kili-kili mo o ng kaibigan mo?

Naka-amoy ka na ba ng putok sa kili-kili?
In english, bomb threat
este under arm odor.
Anong amoy?
Kasing amoy lang siguro ng paang nababad sa baha ng 2 araw habang naka mejas at sapatos.
Pero etong tanong ko,
Ano ba ang mas mabaho, putok ng kili-kili mo o putok ng kaibigan mo???
Syempre hindi ka aamin.
Ilang beses mo na bang pinilit ang sarili mo na mas mabaho nga ang putok ng kaibigan mo kesa sayo? Nakumbinsi ka naman ba?
Eh ano naman kayang kinaiba ng putok ng kaibigan mo sa putok mo?
Eh parehas ding putok yun.
Para mo na ring sinabing mas mabango ang utot mo sa utot ng kaibigan mo.
Eto tanong.
May mabango bang utot???
Bakit yung mga praning na tao na pag umuutot sila sinasabi nila, "Mabango naman utot ko eh!"
Pinagtanggol pa yung utot nya, eh wala pa namang nakakasungkit ng record sa guiness na taong may mabangong utot...
Labels:
Tanong ni bentong
Anong pinagkaiba ng malibog sa manyak?

Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak ko.
At syempre, natutuwa ka naman dahil mukang kalibugan ang pag-uusapan natin,
ooooooooooyyy. kunwari pa.
haha
Naisip ko lang, ano nga ba ang pinagkaiba ng malibog sa manyak???
Meron nga ba???
Para sa akin, lahat ng lalaki, malibog. Pero hindi lahat, manyak.
Ang malibog, lagi tinitigasan.
Ang manyak, lagi nilalabasan.
Inshort, ang malibog, nasa isip lang.
ang manyak, isinasakatuparan yung nasa isip ng malibog...
Isipin mo na lang,
ano naman kaya ang ginagawa ng malibog na manyak???
Labels:
Tanong ni bentong
Paano lumipad si Jollibee?

Sa di maipaliwanang na kadahilanan, pilit akong binabagabag ng tanong na ito na kahit sa aking pagtulog ay pilit syang pumapasok sa genius kong utak.
Napakagara kasi ng pagkakagawa sa kanya, sa sobrang laki ng katawan nya eh yun namang ikinaliit ng pakpak nya. Nagtataka tuloy ako, pano kung lumipad si Jollibee?
Gagamitin nya kaya ang pakpak nya o gagamit sya ng super powers?
Ano sa tingin nyo???
Eh pano kung wala syang super powers? Ilang linggo kaya ang gugugulin netong dambuhalang insekto na ito kung pupunta sya ng Cubao at manggagaling ng Marikina???
At kailan pa naging pula na may yellow ang bubuyog?????
At bakit ko ba pinapakialaman ang buhay ni Jollibee???
Hindi ko rin alam...
Labels:
Tanong ni bentong
Sino bang mas matalino, yung bobo o yung tanga?

Wala sigurong tao sa Pilipinas ang hindi nakaranas masabihan ng napakatamis at nakakaaliw na mga salitang tanga at bobo. Ang nakakatuwa lang sa mga timang, ay parang galak na galak pa silang masabihan.
Kung patalinuhan din lang ang labanan,
dun nako sa tanga.
Ang bobo kasi walang alam, ang tanga naman
may alam, hindi lang ginagamit ang utak.
Sabi nga ni Bob Ong "kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."
o diba walang konek...
Labels:
Tanong ni bentong
Bakit kailangang kumain?

Nagtataka ako kung bakit kailangan pang kumain ng mga tao.
Ano kayang maaari kong matutuhan sa mga tambay na nagkakara-krus sa gilid ng daan kung sa kanila ko itatanong to? Kanino ko ba makukuha ang sagot? Sa mga scientists kaya o sa mga nagtuturo ng ebanghelyo sa radyo at telebisyon?
Naisip ko kasi na ibat-iba ang kinakain natin.
May mahal, may mura, may masarap, may hindi, may libre, may binili, may bagong luto, may panis, may galing sa restaurant, may galing sa turo-turo, may malinis, may marumi, at higit sa lahat, may kontaminado ng masarap na sangkap ng hepa at mayroon din namang di maipaliwanag na lasa ng e.coli.
Bakit nga ba? eh gastos lang yun. sayang sa tym. at nakakapagod.
Isa lang naman din ang nangyayari kapag kumakain...
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Ngumunguya, nabubusog at tumatae.
Gawin man nating trapezoid ang bilog na mundo, yun ang paulit-ulit at araw-araw na cycle. Di bat nasasayang lang ang pagkain? Kakainin mo, itatae mo lang din pala.
Kung sa bagay, okay na rin yun.
Kesa naman yung tinae mo ang kakainin mo. YUCK.
Labels:
Tanong ni bentong
Isang nakakatamad na pagbati!

Isang nakakatamad na araw, kaya isang nakakatamad na bati sa inyo.
Sa wakas, sinipag din ako sa katamaran kong gumawa ng blog.
Wala lang, trip ko lang gumawa ng account na walang kasiguraduhan kung magtatagal nga ito tulad ng personal blogs kong mga nauna. Mga hindi ko na naipagpatuloy dahil hindi ko alam kung saan ko ba icacategorize yung ginagawa kong blog. Kung sports ba, religion, news, showbiz, travel, food and drinks, politics, business, entertainment o wala lang. Basta may mai-blog lang. Yun. Dun ako kabilang, sa categoring WALA. Kaya yung utak ko ay WALA DIN, dahil hindi ko alam kung ano bang ilalagay ko sa blog ko, at napapaisip din ako kung meron kaya akong mabibiktima na bumasa ng blog kahit hindi sinasadya.
Bigla ko lang naisip na gusto ko mag-blog. Pampalipas oras, kahit sa totoo eh wala namang pambayad sa internet. Sige, humahaba na ang talambuhay ko. Pero bago ko tapusin to, sasabihin ko sa inyo kung bakit binura ko yung 2 blog ko. Yung una kong blog, english ginamit kong lenggwahe, ayun, di ko rin kinaya... LOL yung pangalawa naman, tagalog version, may sense nga ang korni naman. Ang haba-haba ng pinagsasasabi ko wala naman palang interesado, NAGBLOG PAKO?
MABUHAY!
Isang kalokohang simula para sa may kwentang blog ng walang kwentang blogger....
Subscribe to:
Posts (Atom)